December 27, 2024

ROBIN, NIYAYA ANG TURISTA NA DUMALO SA CAMOTES ISLAND SA CEBU

Niyaya ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang mga turista na dumalo sa Camotes Island sa Cebu, matapos imbitahin ni Ceby Gov. Gwendolyn Garcia na bumisita roon nitong weekend.

Si Padilla ay nakilahok sa “Suroy Suroy Sugbo” sa Camotes Island, ang ikalawang yugto ng tourism flagship program ng probinsya.

“Tayo po ay kasamang naglilibot ngayon ng ating iginagalang na Cebu Governor Gwen Garcia para sa ‘Surog Surog Sugbo 2023’ dito sa Camotes Islands. Ito po ay ang ikalawang yugto na bahagi ng tourism flagship program ng Cebu Provincial Government. Tara na po at samahan nyo kaming makisaya at maglibot sa – Enchanting Camotes 2023,” aniya.

Kasama niya sina Tourism Sec. Christina Frasco, Deputy Speaker Vincent Franco Frasco; Board Members Red Duterte at Mike Villamor; Tourism Undersecretary Shahlima Hofer Tamano, Assistant Secretary Verna Buensuceso at mga DOT Regional Directors.

Binisita nina Padilla ang bayan ng Pilar sa ilalim ni Mayor Winky Santiago; San Francisco sa ilalim ni Mayor Alfredo Arquillano; Poro sa ilalim ni Mayor Edgar Rama; at Tudela sa ilalim ni Mayor Greman Solante.

Nakilahok din si Padilla sa ocular inspection ng Camotes Island Airport kasama si Governor Garcia at General Manager Julius Garcia Neri, Jr. Samantala, binisita rin ni Padilla at ni Governor Garcia ang Bukilat Cave. Sumali rin si Padilla sa Bayle o disco, at nanood ng lokal na cultural dances.