NAG-INGAY ang mga miyembro ng MAGSASAKA Partylist sa harap ng Comelec Intramuros para kondenahin ang naging desisyon ng En Banc na palitan ang kanilang kinatawan sa Kongreso.
Sa kanilang sentinyento, tinuligsa nila si Chairman George Erwin Garcia at mga Commissioners dahil inalis bilang kinatawan nila sa Kongreso si Cong. Argel Cabatbat.
Tuwirang inakusahan ng mga miyembro ng MAGSASAKA Partylist ang Komisyon na umano’y tila ibinenta ang desisyon para paupuin ang isang Roberto Nazal Jr.
Nagtataka ang MAGSASAKA Partylist kung papaanong inilagay ng Comelec si Nazal gayung ito ang First Nominee ng natalong PASAHERO Party List nitong nakaraang halalan ng Mayo.
Nais nilang bawiin ng Comelec ang kanilang desisyon at panatilihin si Cabatbat bilang kanilang kinatawan sa Kongreso.
Sabi naman ni Chairman Garcia, nagdesisyon na sila sa isyung ito at pinayuhan ang MAGSASAKA Partylist na kwestyunin na lamang nila sa Supreme Court ang naging hatol ng Komisyon.
Base sa En Banc Resolution noong Oktubre 10, si Nazal umano ang dapat umupo bilang Kinatawan ng MAGSASAKA Partylist matapos maghain ng petisyon ang isang paksyon nito para palitan si Cabatbat.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA