Muling inilunsad ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang ‘Safe Trip Mo Sagot Ko’ (SMSK) para sa Holy Week 2022.
Ang SMSK ay isang motorist assistance program ng MPTC na ipinapatupad sa kahabaan ng North Luzon Expressway o NLEX, Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX at Cavite Expressway na naglalayong maging maayos ang traffic management at toll collection tuwing holiday.
Bilang panimula, sususpindihin ng kumpanya ang lahat ng lane closure at mainline road works sa lahat ng mga tollway nito mula Abril 8 hanggang 18 maliban na lamang kung kinakailangan ang safety repairs. Updated din ang social media pages ng mga expressway para sa traffic information at bukas 24/7 ang MPTC Hotline (1-35000).
Para sa karagdagan, maglalaan din ang MPTC ng libreng towing services sa pinakamalapit na exit para sa lahat ng Class 1 vehicles. Ito ay available mula Abril 13 ng alas-6:00 ng umaga hanggang Abril 18, alas-6:00 ng umaga.
“With the easing of travel restrictions, there’s a lot more outdoor activity from the general public. As we return to some normalcy as compared to recent years, we have anticipated this increase in volume by fielding additional personnel and offering special roadside services,” saad ni MPTC president and CEO Rodrigo Franco.
Hinimok din ng MPTC ang lahat ng motorista na gamitin ang bagong MPT DriveHub app, na maaring i-download sa Android at iOS devices. Ang smartphone app na ito ay may mga function tulad RFID balance inquiry at reloading, trip planning, toll-fee calculator at emergency roadside assistance.
“The app, the increased manpower deployment, the roadside services identified to respond to our customers’ needs for this coming Holy Week—these initiatives are synergistic—they all come together to create a travel experience that is safer and more relaxing,” dagdag ni Franco.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA