January 14, 2025

Road stud lights ng dating alkalde ng Lobo, Batangas labag sa road safety standard ng mga motorista 

Nanawagan ngayon ang mga may ari ng sasakyan na madalas dumadaan sa kahabaan ng National Road sa bayan ng Lobo, Batangas na palitan na sa lalong madaling panahon ang mga ikinabit na mga road stud lights o mga ilaw sa gabi na lumiliwanag pagkagat ng dilim bilang gabay ng mga motoristang nagmamaneho ng kani kanilang mga sasakyan papasok sa bayan ng Lobo, dahil hindi umano basta mapapansin ang kulay ng ilaw na LAVENDER o violet na paboritong kulay ni dismissed by the Ombudsman na si Mayor Lota Manalo, na isang panatiko di umano ng korean boy band group na BTS.

Base sa reklamo ng mga tsuper ng jeepney sa lobo ay madalas anila ang mga aksidente sa daan na kinabitan ng mga stud lights sa nasasakupan ng apat na barangay tulad ng Brgy. Malapad na Parang, Brgy.Calo, Brgy. San Miguel at Brgy. Balatbat, dahil sa bukod sa napakalabo nito sa gabi ay nagpapalito pa di umano sa kanilang tinatahak na mga kurbadang daan kaya’t ang kanilang kahilingan ay agad ng palitan ang mga ito ng naayon na kulay sa road safety standard tulad ng kulay na yellow o puti na maliwanag at kapansin pansin sa gabi. Tanong din ng mga motorista kung bakit sa mabangin at walang mga street lights na mga lugar sa bayan ng Lobo napiling ilagay ang mga road stud lights na wala umanong  pakinabang.

Ayon naman kay Lobo Municipal Acting Mayor Geronimo “Imong” Alfiler, nais nilang agad gumawa ng solusyon at aksyon dito ang Department of Public Works and Highways o DPWH Regional Office IV-A upang mapalitan ang mga napakalabo at madilim na ilaw. Subalit wala pang gustong magkomento sa mga opisyal ng nasabing DPWH Regional Office, na agad natin isinangguni dahil siguradong alam nila na ito ay sablay na kulay at tiyak na pinagbigyan lamang ang kapritso na hiling na kulay ng nasipang si Mayora Lota Manalo dahil sa pagkahumaling sa kulay din ng korean boy band na BTS.

Nakausap din natin si  DPWH Disrict II, District Engineer Ma’am Sonia Paglicawan, inamin nito na wala sa kanilang standard ang kulay lavender o violet na kulay at hindi ito pasado sa road safety para sa mga motorista aniya “Good afternoon sa local LGU yan. Wala sa standard nmin ya wala ako studs sa lobo salamat.”

Nakatakda naman gumawa ng resolusyon at sulat para sa DPWH ang Local Government ng Lobo Municipality para hilingin na agad palitan ng naaayon na kulay ang mga ilaw sa kanilang national highway. (Koi Hipolito)