January 10, 2025

ROAD CLOSURE EPEKTIBO MULA ENERO 8-9 DAHIL SA PISTA NG ITIM NA NAZARENO

UPANG bigyang-daan ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno at ang pagdaraos ng ‘Traslacion 2025’ na inaasahang dadagsain ng milyon-milyong tao, ilang kalsada sa Maynila ay isasara sa trapiko mula alas-9 ng gabi. ng Enero 8 hanggang Enero 9, 2025.

Kabilang sa mga isasarang kalsada ay ang Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang P. Burgos Avenue; Katigbak Drive at South Drive (One Lane Accessible sa Manila Hotel at H2O Hotel; kahabaan ng Independence Road; Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang U.N. Avenue; P. Burgos mula Roxas Boulevard hanggang Jones, McArthur at Quezon Bridge; Finance Road mula P. Burgos Avenue hanggang  Taft Avenue; Ma. Orosa St. mula T.M. Kalaw hanggang P. Burgos Avenue; Taft Avenue mula U.N. Avenue hanggang P. Burgos Avenue; Romualdez mula U.N. Avenue hanggang Ayala Boulevard; Ayala Avenue mula Taft Avenue hanggang Romualdez St.; C. Palanca St. mula P. Casal hanggang Plaza Lacson; P. Casal mula C. Palanca hanggang Arlegui St.; Legarda St. mula C.M. Recto Avenue hanggang Arlegui St.; Quezon Boulevard mula Fugoso St. hanggang Quezon Bridge at westbound lane ng España Boulevard mula P. Campa hanggang Lerma St.


Ang mga motorista na pa-southbound mula sa Mel Lopez Boulevard (R-10) patungo sa Roxas Boulevard ay maaaring lumiko pakaliwa sa Capulong St., diretso sa Yuseco St. hanggang Lacson Avenue papunta sa kanilang destinasyon. Mga sasakyan na pa-southbound mula sa J. Avenida Abad Santos/R. Regente hanggang Intramuros Area ay dapat lumiko pakanan sa San Fernando St., pakaliwa sa Madrid St., pakaliwa sa Muelle Dela Industria hanggang sa Binondo-Intramuros Bridge at A. Avenue Soriano patungo sa destinasyon o maaaring dumaan sa Juan Luna St., lumiko pakanan sa Muelle Dela Industria hanggang sa Binondo-Intramuros Bridge.

Ang lahat ng sasakyan na bibiyahe sa southbound ng Rizal Avenue na nais gamitin ang McArthur Bridge patungo sa south area, ay maaring kumaliwa sa C.M. Recto Avenue, kumaliwa sa Legarda Street, patungo sa point of destination.

Ang mga sasakyang papuntang timog mula sa Mendoza St. patungong Quezon Boulevard ay dapat lumiko pakanan sa Fugoso St. at Rizal Avenue patungo sa kanilang destinasyon habang ang mga nasa kanlurang lane ng España Boulevard patungong Quezon Boulevard ay maaaring lumiko pakaliwa sa N. Reyes St. hanggang C.M. Abenida Recto patungo sa destinasyon.

Ang mga pa-northbound na sasakyan sa Roxas Boulevard patungo sa P. Burgos Avenue ay maaring kumanan sa U.N Avenue, dumiretso sa P. Guanzon St., patungo sa Mabini Bridge habang ang mga truck at trailer na pa-northbound sa Roxas Boulevard papuntang Mel Lopez Boulevard (Pier Area) ay maaring kumanan sa Pres. Quirino Avenue Mabini Bridge patungo sa destinasyon.

Ang lahat ng sasakyan na bibiyahe pa-northbound sa Taft Avenue papuntang P. Burgos Avenue ay maaring kumanan sa U.N Avenue, diretso sa P. Guanzon Street sa Mabini Bridge patungo sa destinasyon.

Magiging epektibo ang pagsasara ng ilang kalye habang papalapit ang prusisyon, ayon sa abiso. ARSENIO TAN