
KINILALA ni Rizal 1st District congressional candidate Kuya JB Pallasigue ang kahalagahan ng mga nanay sa paghubog ng pamilya.
“Walang kapantay ang pagmamahal, sakripisyo, at malasakit ng ating mga ilaw ng tahanan. Sila ang unang nagmamahal, unang nag-aalaga—kaya’t sila rin ang dapat nating unahin!,” ani Pallasigue.
Sinabi ni Pallasigue na ang mga nanay, lola at ina ay mayroong mahalagang papel na ginagampanan sa lipunan.
Kaya hiniling ni Pallasigue na muling kilalanin at ipagpatuloy ang pagbibigay pugay sa mga nanay.
“Sa Rizal District 1, IKAW ang UNA. IKAW ang BIDA! Patuloy tayong kikilos para sa kapakanan ng ating mga Nanay at lahat ng pamilya—dahil ang tunay na pagbabago ay may kasamang puso at malasakit!” dagdag pa niya.
More Stories
Tolentino: 60 kph speed limit mahigpit na ipatupad
IMEE MAY BUWELTA KAY CHIZ: SIYA ANG AMBISYOSO
MGA MATATAAS NA OPISYAL NG PNP SA BARMM, PINASISIBAK!