
MANILA, Philippines — “Hindi ako nagsasara ng pinto.”
Ito ang makahulugang pahayag ni Opposition Senator Risa Hontiveros ngayong Miyerkules, nang tanungin kung handa siyang tumakbo bilang standard-bearer ng oposisyon sa darating na 2028 presidential elections.
Sa Kapihan sa Senado forum, inamin ni Hontiveros na bukas siya sa posibilidad ng pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
“Open ako sa lahat ng posibilidad. ‘Yan din ang panawagan ko sa mga kasamahan ko sa oposisyon—na maging bukas para sa kapakanan ng oposisyon at ng masa,” ani Hontiveros.
Bagama’t wala pa siyang direktang sagot kung tatakbo siya bilang presidente, tiniyak ng senadora na may ilalaban ang oposisyon sa darating na halalan—lalo na laban sa kandidato na maaaring suportahan nina dating Pangulong Rodrigo Duterte o Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“Wala pa akong ideya kung sino ang mga magiging kandidato nila o natin, dahil bahagi ‘yan ng proseso ng pagpili. Pero sana sa loob ng siyam na buwan, makabuo tayo ng pagkakaisa,” dagdag pa niya.
Para kay Hontiveros, hindi pa oras para pag-usapan ang mga pangalan—mas mahalaga ngayon ang pagbubuklod ng puwersa.
“Ang prayoridad ko ngayon ay ang pag-iisa ng oposisyon at ang pagbuo ng pinakamalakas na slate para sa 2028,” giit niya.
Sa tanong kung tatakbo nga ba siya bilang pangulo, sagot ni Hontiveros: “Ang konkretong sagot d’yan ay darating rin… sa tamang panahon.”
Abangan.
More Stories
2-STAR GENERAL INIREKLAMO NG PANGGAGAHASA NG 2 SUNDALO, SINIBAK SA PWESTO
Pagkapanalo ng ilang kandidato sa Eleksyon 2025, hindi dapat i-attribute agad sa ‘youth vote’ — Sociologist
MMA encuentro sa CamSur… URCC KAOGMA 2 BANGGAAN NA ‘TO!