Nadale ang mata ni Guillermo Rigondeaux, 41, matapos ang freak cooking accident. Na naging sanhi ng pagkawala ng 80 porsiyento ng kanyang paningin.
Ayon sa ulat, nagluluto noon ang boxer sa kanyang bahay sa Miami. Di inaasahang sumabog ang laman ng pressure cooker sa kanyang mukha.
Sinabi ng manager nito na si Alex Bornote sa Florida-based Spanish daily na ‘E Nuevo’ ang detalye. Aniya, muntikan nang ikabulag ng boksingero ang aksidente. Katunayan, 20 percent na lang ng vision nito ang nakakakita.
Gayunman, tiwala pa rin ang Cuban pug na makaka-recover siya habang sumasalilalim sa surgery.
“When the pot exploded and we saw how Rigondeaux was left, we thought the worst; because his face and eyes looked very bad as a result of the impact of the explosion. But we hope that he will recover,” aniya.
Huling lumaban si Rigondeaux noong February 26, 2022. Kung saan, natalo siya via unanimous decision kay Filipino pug Vincent Astrolabio.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!