Magandang araw sa inyo, mga Cabalen. Kumusta ang buhay natin? Sana ay lagi kayong nasa mabuting kalagayan.
Batid natin na tayo ay nasa balag ng alanganin at kaligaligan dahil sab anta ng Co-ViD-19. Kaugnay dito, mya mga taong nagsasakripisyo sa kapakanan ng ating kaligtasan. Sila ang mga tinatawag nating frontliners at health volunteers
Mahalaga ang papel ng health volunteers sa ating komunidad lalo pa’t ang ating bansa ay nakikipagpunyaging labanan at masugpo ang pandemya ng naturang karamdaman. Batid natin kung gaano kahirap ang kanilang ginagawa dahil nasa peligro ang kanilang buhay habang tinutupad nila ang kanilang tungkulin.
Ngayon mga Cabalen, upang kahit papaano ay mabigyan ng ginhawa an gating mga frontliners, may iminumungkahi si Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go sa kinauukukan, partikular sa executive department. Na niya, na bigyang pansin at bigyang pugay ang ginagawang sakripisyo ng mga volunteers, na malaki ang papel upang masugpo ang CoViD-19.
Kaya naman, iminungkahi’t inirekomenda ng senador na bigyang ayuda ang mga government personnel na boluntaryong gumaganap ng tungkulin sa mga mega swabbing facilities (MSFs). Aba, magandang balita ito sa ating mga frontliners. Sa resolusyon o sa ilalim ng Congressional Joint Resolution No. 4 (w. 2009), kung ilalatag, maaaring payagan ni Pangulong Duterte na bigyan ng benepisyo at allowances sa mga kawani ng gobyerno. Aniya, depende sa regulasyon at rate na sasalain ng Department of Budget and Management.
Sa pamamagitan din ng kanyang mungkahi, pwedeng bigyan ng awtorisasyon ng national government agencies at government –owned or controlled corporations— na bigyan ang mga nagbo-boluntaryong personnel na nakatuka sa designed facilities at community quarantine ng allowance; na nagkakahalaga ng P500. Depende kung kakayanin ng pondo.
Ani ng senador, kung papayagan ng Pangulo ang kanyang mungkahi, ang mga pinuno ng mga ahensiya ng gobyerno ang magbibigay ng allowance sa kani-kanilang mga personnel; kung mga mga nagbo-boluntaryo ay mga regular, casual positions, contractual at nasa contract of service at job order.
Kung maisasakatuparan ito mga Cabalen, nakatitiyak tayo na ang mga volunteers ay napapahalagahan dahil sa kanilang hindi matatawarang serbisyo at pagsasakripisyo para sa bayan at sa taumbayan.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!