PINAPURIHAN ni civoc leader/chess enthusiast Hilario ‘Gat’ Andes ang pamunuan ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) sa matagumpay na pag-organisa ng buwenamanong conference ng kauna-unahang professional na liga ng chess sa bansa.
Dahil sa pagsilang ng pro-league sa larong ahedres, nagkakaroon ng patutunguhan at tamang pagsulong ang tinatahak ng local chess players upang lalo pang mahasa ang kanilang husay katunggali ang mga elite grandmasters ng bansa.
“Noon kasi, madalang ang komprehensibong kompetisyon sa chess sa lokal na eksena at masyadong magastos kapag dumayo sa ibang bansa para isabak ang ating mga pambato. Ngayon heto na, may goal na ang ating mga manlalaro dahil may mas mataas na antas na liga pagkatapos ng collegiate competitions. Parang PBA sa basketball na may ambsiyon ang mga manlalaro na balang araw ay magiging sikat PBA players sila at may kaakibat pang suweldo habang naglalaro (play-for-pay)” wika ng dating varsity chess player ng kanyang alma mater Divine Word College sa Legaspi City. sa Albay.
“Ang daming potensiyal na chess players na kailangan lang mahasa sa isang pro-league tulad ng PCAP partikular iyong mga homegrowns mula sa lalawigan. Sayang lang noong panahon namin ay wala pang PCAP.”
Kahit na abala si ‘Gat’ Andes sa kanyang adbokasiya sa pinamumunuang civic oriented organization na FLAG-LAMP (Free our Land Against Greed-Larry Andes para sa Mamamayang Pilipino) Movement,
tinitiyak ni ‘Gat’ Andes na may panahon siya para sa sport na malapit sa kanyang puso- ang larangan ng chess at nakapag tuturo pa siya ng ahedres sa kanyang balwarte sa Kabikulan partikular sa kabataan ng libre kapag siya ay umuuwi sa kanyang pinagmulan.
Isa sa kanyang prayoridad kapag siya ay nakakapaglingkod na sa nasyunal na aspeto sa buong sambayanan bukod sa inaasam na kasaganahan ng mamamayang malaya sa tanikala ng mga trapo,oligarkiya at dinastiya sa pulitika ay ang kanyang komprehensibong suporta sa sport partikular sa chess. Layon niya ang mabigyan ng mga ginintuang pagkakataon ang mga talented players na makamit ang ultimate goals na maging grandmasters sa hinaharap na magawa niya bilang lingkod-bayan.
“All the best sa PCAP, kay commissioner Atty. Paul Elauria at good luck sa import- lader SGM Wesley So Cup Conference gayundin sa GAB na nagkaloob ng basbas sa PCAP at SMC” ani Andes na sumaludo rin sa matagumpay na PCAP All -Star Game kamakailan.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino