
Todas ang isang rider matapos magulungan ng isang dump truck nang tumilapon sa kanyang minamanehong motorsiklo sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si Isagani Sorio, 36, company employee at residente ng Lot-6 Block 9 Pascual Subd., Brgy. Baesa, Quezon city.
Nahaharap naman sa kasong Reckless imprudence resulting in Homicide at Damaged to Property ang driver ng dump truck Sinotruck na may plakang (MAD-33277) na si Carlito Bernardino, 48 ng Condrado St. Brgy. Niugan, Angat Bulacan.
Ayon kay Caloocan police traffic investigator PCpl Dino Supolmo, dakong alas-12:10 ng hating gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Tullahan Road, Sta. Cateria, Brgy. 163 ng lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon, kapwa tinatahak ng biktima sakay ng kanyang Yamaha Mio Sporty at ng dump truck na minamaneho naman ni Bernardino ang naturang lugar patungong Quirino Highway, Quezon city nang mag-overtake umano sa truck ang rider.
Nawalan umano ng control ang biktima at tumama ang harapang gulong ng kanyang motorsiklo sa simentadong gutter ng kalsada bago bumagsak.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima hanggang sa makaladkad at magulungan ng harapan kanang gulong ng dump truck ang kanyang katawan dahilan upang mabilis itong isinugod sa naturang pagamutan habang sumuko naman kay PEMS Ronald Villafaña ng Caloocan Police SS6 si Bernardino.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay