
Nasawi ang isang 49-anyos na rider matapos salpukin ng rumaragasang tractor head ang minamaneho niyang motorsiklo sa Caloocan city.
Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Gerard Directo, ng Tuazon St. San Andres, Manila sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan.
Nadakip naman ng pulisya ang driver ng tractor head na si Wilson Nunez, 31 ng Pinagbarilan, Baliuag, Bulacan na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Sa tinanggap na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang tinatahak ang kahabaan ng C-3 Road patungo sa gawi ng Rizal Avenue Ext. dakong alas-12:20 ng tanghali nang salpukin ng rumaragasang tractor head (NAF-8240) na minamaneho ni Nunez ang likurang bahagi ng motorsiklo.
Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima at bumagsak sa sementadong lansangan kaya’t mabilis itong isinugod sa naturang pagamutan.
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA