VALENZUELA CITY – Swak sa kulungan ang isang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang tangkain takbuhan ang mga pulis na sumita sa kanya sa checkpoint dahil walang suot na helmet sa naturang lungsod.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165, Article 151 RPC, RA 10054 (Motorcycle Helmet Law of 2009) at RA 4136 Sec 15 at 19 (Failure to Carry Driver’s License and OR/CR) ang naarestong suspek na si Ruben Legaspi, 44 ng 140 Langka Road, Brgy. Langka, Meycauayan Bulacan.
Sa report ni SDEU investigator PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-2:45 ng madaling araw, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Sub-Station 7 sa pamumuno ni deputy commander PLT Arnold San Juan nang parahin nila si Legaspi dahil walang suot na helmet habang sakay ng isang motorsiklo.
Nang hingan ng mga pulis ang suspek ng driver’s license at iba pang kaukulang mga dokumento sa minamanehong motorsiklo ay hindi ito nakipagtulungan at wala ring naipakitang dokumento saka tinangka umanong tumakas.
Gayunman, agad siyang napigilan saka inaresto nina PSSg Marlon Carpio at PSSg Moises Cereno at nang kapkapan ay nakuha sa suspek ang limang transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 2 grams ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P13,600 ang halaga.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA