IBINAHAGI ng actor na si Richard Yap ang kanyang frustration kaugnay sa napakalaking halaga ng kanyang electricity bill na kailangan niyang barayan mula sa Manila Electric Co. (Meralco).
Nanawagan si Yap sa Meralco sa pamamagitan ng Twitter, kahapon matapos niyang matanggap ang Meralco bill na may halagang P55,653.01.
“A lot of people have been complaining about their @meralco bill,” the isinulat ng aktor. “Instead of billing the average of 3 months, they have been multiplying our bill 3x.”
“How did our bill end up this big when we’ve been paying our monthly bills?” pagtataka niya.
Nag-reply naman ang Meralco sa tweet ni Yap, na nangangako na iimbestigahan nila ang pangyayari at sinabihan ang actor na magpadala ng direct message sa kompanya.
Wala pang update si Yap sa isyu. Bagama’t maraming consumer ang inakusahan ang Meralco dahil hindi nila pinapansin ang kanilang mga katanungan na kahalintulad din ng isyung ito habang napakabilis mag-respond sa reklamo ng aktor.
Isa si @sirsalad sa mga nag-reply sa tweet ng Meralco: “YOU DON’T EVEN REPLY TO YOUR DM’S.”
Isa pang Twitter user na hawak ni @sirprincepogi ang nag-post: “KAPAG ARTISTA ANG BILIS MAG REPLY! YUNG INQUIRY KO NOONG JUNE 17th PA, NASAAN ANG HUSTISYA?”
“Puro automated replies. [‘Di] nagbabasa mga yan at wala silang pakielam. Gusto nila magbayad tayo ng bills na hindi makatao,” reply naman ng Twitter user na si @notsograu.
Pinutakte ng reklamo ang mga social media accounts ng Meralco mula sa mga konsumer na nagrereklamo dahil sa sobrang pagsipa ng kanilang bill sa kuryente,
Pero paliwanag ng Meralco, may basehan ang dagdag-singil sa kuryente.
Puwede namang huwag munang bayaran nang buo ang bill dahil hahatiin ito sa 4 na buwan mula June pero nanindigan ang Meralco na tama ang kanilang meter reading.
Una ng naglabas ang Energy Regulatory Commision (ERC) ng show-cause order laban sa Meralco, kaugnay sa paglabag umano sa direktiba sa billing habang may lockdown.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM