January 23, 2025

RICHARD QUAN, PINARANGALAN BILANG BEST ACTOR SA ACCOLADE GLOBAL FILM COMPETITION 2020

Itinuturing sa ngayon ang si Richard Quan bilang seasoned actor dahil sa nagkamit ito ng parangal bilang Award of Merit for Best Actor para pagganap sa  “Spiderman’s Man “ng Accolade Global Film Competition 2020.

Bukod dito, ang naturang pelikula ay nagwagi rin bilang Best Feature Film at Best Director para kay director Ruben Soriquez, isang multi-award winning Italian Filipino actor-director.

Ang Accolade Global award ay itinatag noong 2003 at nasa ika-17 taon na sa kasalukuyan. Kung matatandaan, napanalunan ni Richard ang unang acting award bilang Best New Male Actor for Movies from the Philippine Movie Press Club (PMPC) sa kanyang pagganap sa pelikula nina Dawn Zulueta-Richard Gomez “Saan Ka Man Naroroon” sa direksyon ni Carlitos Siguion-Reyna.

Pahayag ni Richard, sumailalim siya sa crash acting workshop sa ilalim ng yumaong beteranong actor na si Ray Ventura’ bago siya nag-audition sa mga pelikula.

Nagwagi rin siya ng ilang  Best Actor Awards, sa ilalim ng direksyon ni Nestor Malgapo, Jr. para sa pelikulang  “Kapayapaan sa Gitna ng Digmaan” sa isinagawang Singkuento International Film Festival at  European-Philippines International Film Festival.

Si Richard ay isa lamang sa mga matagumpay na indibidwal na lumusong sa show business, na kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Bukod sa kanya, namamayagpag pa rin sa industriya ang mga aktor na sina Ruru Madrid, seasoned actors John Regala, Gladys Reyes, John Lucas,  Snooky Serna, Kristel Fulgar, Regine Angeles at Jaclyn Jose, na siyang unang Filipino na nagwagi bilang Best Actress Award sa Cannes International Film Festival.