Nagsagawa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng isang virtual meeting kasama ang mga matataas na opisyal ng Department of Agriculture (DA) sa Presidential Guest House sa Malacañang.
Kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang Rice Tarrification Law, kasalukuyang estado ng rice at livestock production, pagtaas ng produksyon sa high-value commercial crops, at iba pa.
Present sa meeting sina Undersecretary Leocadio Sebastian, Undersecretary-designate Kristine Evangelista, Assistant Secretary-designate Engr. Arnel De Mesa, at Sebastian’s Executive Assistant Imelda Arida.
Dumalo rin sina Executive Secretary Victor Rodriguez, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr., at Presidential Management Staff Secretary Maria Zenaida Angping.
Iniupo ni Marcos ang kanyang sarili bilang concurrent agriculture secretary.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY