January 24, 2025

Revolutionary government ipinipilit? DUTERTE ADMIN NAKAPOKUS SA KRISIS SA COVID-19

MAS nakatutok ngayon ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ito’y matapos ipinanawagan ng pro-Duterte group na palitan ang sistema ng pamahalaan patungong revolutionary government.

Nabanggit ni Roque na ang panawagan upang makabuo ng isang rebolusyonaryong gobyerno ay nagmula sa isang pribadong grupo at mga organizer na malayang ipahayag ang kanilang opinyon.

“The focus, however, of the administration is addressing COVID-19 and mitigating its socioeconomic impact,” wika niya.

“The most pressing and most urgent concern, which requires the Executive’s full attention, is the gradual opening of the economy while safeguarding the people who are working/going back to work amid the pandemic,” dagdag pa ni Roque.

Kamakailan, nagtipon ang nasa 300 katao, kabilang ang mga kasapi ng Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), sa Clark Freeport and Special Economic Zone, Pampanga para sa manifesto signing na nananawagan ng RevGov at paglipat ng bansa sa pederalismo, habang may 2 taon pa sa termino si Duterte.

Kasama sa naimibithan ng grupo si Philippine National chief Gen. Archie Gamboa sa nasabing pagpupulong pero hindi pa niya nakikita ang kopya.

Ang MRRD-NECC, isang organization na nagtulak kay Duterte para tumakbo bilang presidente noong 2016.

Kinumpirma rin ni Defense Secretary Delfin Lorenza na nakatanggap din ang kanyang departamento ng imbitasyon para sa pagpupulong na ginanap noong Agosto 20.

Gayunpaman, kapwa tintutulan ng defense department at puwersa ng national police ang paglikha sa revolutionary government.