TARGET ng pamunuan ng Philippines Charity Sweepstakes Office na mas mataasan pa ang taunang kita ng charity agency ng pamahalaan ngayong taon.
Ayon kay PCSO Chairman Felix Reyes, ito ay upang makapagbahagi pa nang mas malaki sa Bureau of Treasury at mapalawig ang pagbibigay ng tulong sa mga mahihirap na mamamayan.
Naniniwala si Reyes na maaari pang taasan ang kasalukuyang target na P60-B ngayong taon ng P78-B sa susunod na taon, at hanggang P100 -B sa susunod na dalawang taon.
Sa pamamagitan aniya ito nang paglalagay ng mga bagong betting platforms gamit ang makabagong teknolohiya.
Iginiit ni Reyes na hindi dapat iasa na lamang sa mga fixed terminal kundi dapat maglagay ng bagong pamamaraan upang makamit ang target na kita ng ahensiya.
“There is a good chance that we could attain those target revenue especially with the introduction of new games and with the use of modern technology. We should not rely on fixed terminals anymore, but also utilize technology in our betting platforms,” ani Reyes.
Kaugnay nito, sinabi ni Chairman Reyes na hinihintay na lamang nila ang pag-apruba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa E-Lotto operations at pinag-aaralan na rin ang iba pang betting platforms para sa mga laro ng PCSO.
“Once that happens, we expect to generate more revenue which will be a big boost to our charity and medical programs,” pahayag ni Chairman Reyes.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA