Maaaring mag-iba na ng linya sa sports si retired two-weight world champ at UFC star Conor ‘Notorious’ McGregor. Na sa halip na sa octagon siya lumaban ay sa WWE ring siya makikipag-upakan.
Ayon sa coach ng UFC fighter na si John Kavanagh, nagpaparamdam ang kanyang alaga na sumabak sa WWE. Katunayan, naglabas ng larawan ang kanyang kompanya na The Maclife, kung saan makikita si McGregor na kapwa hawak-hawak ang WWE Universal Title at ang UFC belt nito.
Ang litrato naman ay ibinahagi ng 32-anyos na si McGregor sa kanyang Insta story, kung saan naka-tagged ang anak ni WWE Chairman Vince McMahon na si Stephanie McMahon Helmsley. Ito ay may caption na “McGregor vs McMahon CEO Flashmatch.”
Bagama’t maaaring maging potensiyal na superstar sa roster ng WWE, walang gaanong kaibigan ang MMA fighter sa bakuran ng wrestling.
Kung matatandaan noong 2016, inupat ni McGregor ang WWE wrestlers na ‘dweebs’ at tinawag si John Cena na ‘ big fat, 40-year-old failed Mr. Olympia.”
But another former UFC icon recently stated he felt McGregor would be a “top candidate” to move into wrestling.
Gayunman, nararamdaman ni dating UFC icon Chuck Liddell na isa si McGregor sa mga ‘top candidates’ na lulusong sa wrestling.
“Going to WWE depends on the person, if they want to do it and if the opportunity is available – whether it makes sense for WWE to bring them over,” ani Liddell.
“It depends if he wants to do it, he’s a great trash talker and if he wants to do it then I am sure he’d be worth it to them.”
“He’ll come across when he feels like going there if he feels like doing it,” aniya.
Para naman kay WWE CEO Triple H, sang-ayon siya na maglaban ang kanyang biyenan na si Vince at si McGregor.
I think Conor McGregor versus Vince McMahon with the billion-dollar walk on the line, I think that’s a match made in heaven (jokingly),” saad ni WWE CEO Triple H.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!