December 26, 2024

RETIRED GENERAL ELMER JAMIAS, NAGHAIN NG COC SA MAYORALTY RACE SA MAYNILA

NAGSUMITE ng certificate of candidacy si retired Police General Elmer Jamias ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Comelec sa Arroceros, Manila bilang alkalde ng nasabing lungsod sa 2022 elections. (Kuha ni BONG SON)

KASAMA ang mga tagasuporta, nagmartsa mula sa Sta Isabel College si dating police general Elmer Jamias patungo sa Commission on Elections o Comelec Arroceros ang dating general.

Kandidato si Jamias bilang Alkalde ng Lungsod ng Maynila sa ilalim ng People’s Reform Party ni Dating Senadora Mirriam Defensor Santiago.

Sa panayam, sinabi ni Jamias na napilitan siyang sumali sa mayoralty race sa Maynila dahil sa bigla aniyang tumakbong kandidato bilang Presidente si Manila Mayor Isko Moreno

Tiniyak ni Jamias na ipagpapatuloy niya ang mga programa at proyekto na pinasimulan ni Moreno.

Wala aniya siyang tatanggalin na sinimang tauhan ni Moreno sakaling siya ang manalong Alkalde ng Maynila.

Gayunman, iiimplemento aniya ang kanyang binalangkas na road map sa susunod na tatlong taon.

Wala aniya siyang kandidato sa pagka-bise Alkalde at  ampunin aniya si Manila Third District Representative Yul Servo na kandidatong Vice Mayor sa ilalim ng Asenso Manileño.

Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki ni Jamias ang kanyang tatlong dekadang paglilingkod bilang pulis na may kaakibat na mga karangalan.

Sinabi rin ni Jamias na kung hindi man mapantayan ay hihigitan niya ang ginawang paglilingkod ng dating Alkalde.

Aniya, hindi na nga aniya siya tatakbo ngunit hiniling sa kanya ng mga taga-Maynila na lumahok siya sa 2022 election.

Buong pakumbaba aniyang inihahandog sa lahat ng mga kasiyudad ang walang bahid na serbisyo at katunayan nito ang pagiging Outstanding Manileño niya noong 1999 at binansagan pa siya Barako ng Maynila.

Dala aniya ang mga subok na katangian gaya ng pagmamahal sa bayan, pagiging tapat sa serbisyo, mapagkakatiwalaan, madaling lapitan at handang tumulong.

Hiling ni Jamias na gabayan siya ng Dakilang Panginoon sa kanyang matapat na adhikaing mapaglingkuran ang sambayanang Manileño.