SA kulungan ang bagsak ng isang retiradong pulis makaraang malambat ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Retirement and Benefits Administration Service (PRBS), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Quezon City Police District, na umano’y nasa likod ng ghost pension scam sa PNP.
Kinilala ni PNP Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Jose Chiquito Malayo ang suspek na si retired SP04 Romeo Arela, 65 taong gulang at residente ng Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.
Nabulaga sa kanyang tahanan, nang ihain sa ex-pulis ang warrant of arrest kaugnay ng ilegal na pagkubra ng milyon-milyong piso sa gobyerno na tinaguriang “ghost pension scam”
Ayon sa pulisya mga pekeng pangalan ang ipinapasok ng suspek sa database ng PNP para makubra ang kanilang mga benepisyo.
Sa korte sinampahan ng kasong malversation of public funds at paglabag sa anti-graft and corruption practices act ang retiradong pulis. (AIDA TAGUICANA/BERNIE GAMBA)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA