Ilang mga suspek, kabilang ang isa umanong heneral, pulis at negosyante sa mga nasakote nang salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilegal na sabungan sa Batangas City nitong Sabado ng umaga.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng Agila ng Bayan, higit 50 katao ang nasa sabungan na matatagpuan sa isang sabdibisyon sa nabanggit na lugar.
Subalit 25 katao lamang ang nahuli ng mga awtoridad dahil ang iba sa mga ito ay nagsipulasan nang matunugan na sasalakayin ang nasabing sabungan. Ang iba’y nagtalunan sa bangin na may taas na tatlong palapag.
Ayon kay Atty. Thoper Hernandez, matagal na raw nag-o-operate ang ilegal na gawain at makihan ang pustahan dito.
Samantala, iimbestigahan din naman daw ng mga awtoridad ang may ari ng subdivision.
Nakapiit at nasa kustodiya naman ngayon ng NBI ang mga suspek na arestado sa ilegal na sabungan. FELIX LABAN
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA