Ikinagulat ng mga netizens ang isinagawang paghuli ng mga otoridad sa kilalang retiradong miyembro ng Highway Patrol Group na si Col. Bonifacio Bosita.
Si Bosita na naging founder din ng grupo ng mga rider na Riders’ Safety Advocates of the Philippines (RSAP) at unang nominee ng 1-Rider party-list ay hinuli dahil usurpation of authority at grave coercion.
Sa warrant na pinirmahan ni Hon. Karen Maramba Firme, presiding judge ng RTC, Metropolitan Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 60, Mandaluyong City ay inatasan nito ang mga otoridad na hulihin na si Bosita dahil sa pangingialam nito sa desisyon ng mga otoridad kahit na retirado na ito.
May kinalaman ang paghuli kay Bosita dahil sa vlog nito noon kung saan ay pinagalitan ng retiradong pulis ang isang officer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa pagsita nito sa isang rider na nakasoot lamang ng tsinelas.
Makikita rin sa nasabing vlog ang pagsasabi ni Bosita sa MMDA officer na bayaran nito ang sweldo ng sinita niyang rider dahil sa hindi na makakapasok sa trabaho ang angkas nito.
Lubos naman ikinagalit ni MMDA traffic czar Edison Bong Nebrija na siyang nagsampa ng kaso laban kay Bosita.
Nilinaw naman ng kampo ni Bosita na kusa itong sumuko sa mga otoridad at nagpiyansa naman ito sa halagang 36,000 pesos para sa Grave Coercion at P30,000 para sa Usurpation of Authority.
Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag si Bosita sa ginawang paghuli sa kanya ng mga otoridad.
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK