
Ilalabas ng Commission on Elections (Comelec) sa kanilang website ang opisyal na resulta sa ginanap na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi pa nila nilalabas ang final na bilang sapagkat patuloy pa rin silang kumukuha ng data mula sa field offices sa buong bansa. “(We are still awaiting) the submission from the field. We are also prioritizing the salary of (the) electoral boards,” ayon kay Garcia.
Aniya, inaasahang ia-upload ang election results mula sa 42,001 barangays sa Huwebes o Biyernes sa susunod na linggo.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC