DINEPENSAHAN ni Pulse Asia president Ronald Holmes ang pinakahuling survey ng pollsters na nagpapakita ng pagtutol ng nakararaming Pinoy sa charter change,
matapos kuwestiyunin ng ilang kongresista ng ilang mambabatas ang resulta.
“We have been running the questions for 20 years,” saad ni Holmes.
“The sequence is we start with asking if they favor charter change, in general, then the specific changes proposed now and before are posed later.”
Mayroong nakalaan na snapshot ng public opinion sa nasabing survey results, kung saan maaring magbago sa paglipas ng panahon.
“Why include questions that people don’t want and are not related to the ongoing process in Congress? Is this black propaganda?” tanong ni Majority Leader Manuel Jose Dalipe ng Zamboanga City.
Sinabi niya na ang plebisito, na kakailanganin upang pagtibayin ang anumang iminumungkahing pagbabago sa 1987 Constitution, ay magiging isang mas mahusay na sukatan ng opinyon ng publiko sa charter change.
“The people’s voice should be heard directly through a plebiscite, not through biased surveys,” saad niya.
Nagpahayag naman ng pagdududa si Deputy Speaker David Suarez ng Quezon sa naging resulta ng survey na maaring gamitin upang linlangin ang publiko kaugnay ng pag-amyenda sa Konstitusyon.
Sinabi ni Deputy Speaker David Suarez ng Quezon na ang mga tanong sa sarbey ay tila isinulat “upang patnubayan ang mga respondent patungo sa isang partikular na pananaw sa Charter amendments.”
Ayon kay Suarez ang mayroong mga tanong na inilagay upang magduda o matakot ang mga respondent na pumabor sa panukalang amyendahan ang Konstitusyon.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?