HUMARAP sa Senate Blue Ribbon Committee si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa madugong giyera kontra droga ilalim ng kanyang administrasyon.
Bagamat nanindigan ang dating pangulo na hindi siya magso-sorry sa kampanya kontra droga, sinabi niya sa komite na aakuin niya ang buong responsibilidad sa usapin.
Dinepensahan din ni Duterte ang mga pulis na nagkasa ng drug war.
“I and I alone, take full legal responsibility sa lahat ng nagawa ng mga pulis pursuant to my order. Ako ang managot at ako ang makulong. ‘Wag ang pulis na sumunod sa order ko. Kawawa naman, nagtatrabaho lang,” sabi ni Duterte sa Senate probe.
Ipinatupad niya ang drug war para protektahan umano ang mga Pilipino. Ginawa niya ang lahat ng makakaya para tugunan ang problema ng ilegal na droga.
Sinabihan din ni Duterte noon ang mga pulis at sundalo na huwag abusuhin ang kanilang kapangyarihan noong siya pa ang alkalde ng Davao at pangulo.
Iginiit din ni Duterte na responsibilidad ng mga pulis na i-overcome ang pagmamatigas ng mga kriminal na ayaw sumuko.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA