ARESTADO ang isang tulak ng ilegal na nasa watchlisted ng pulisya matapos makumpiskahan ng higit sa P800,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Guerrero Guinto alyas Jem, 45, ng 103 P. Gomez St., Brgy. 13.
Nakumpiska sa suspek ang aabot sa 130 gramo ng shabu na may standard drug price na P884,000.00 ang halaga, cellphone, at buy-bust money.
Ayon kay Gen. Ylagan, nung July 31, nagtungo sa opisina ng NPD-DDEU ang mga tauhan ng RIU-NCR IG at ipinaalam ang hinggil sa illegal drug activities ng isang alyas “Jero” na responsable ng pagpapalaganap ng illegal na droga Brgy. 8, Caloocan City at kalapit na barangays at buong CAMANAVA area kaya’t agad nagsagawa ng surveillance operation ang mga operatiba ng DDEU.
Bandang alas-10:20 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU ang buy-bust operation sa gilid ng basketball court sa Julian Felipe St., Brgy. 8, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos bentahan ng isang pack ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P7,000 marked money.
Iprinisinta ang suspek sa Caloocan City Prosecutors Office para sa inquest proceedings sa kasong paglabag sa Violations of Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Article II of R.A. 9165.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA