
IPINASARA ng lokal na pamahalaan ng San Juan, Batangas ang isang resort na nagpa-party at lumabag sa COVID-19 protocols ng pamahalaan.
Mababasa sa isang memorandum order na inilabas nitong Martes at pirmado ni Mayor Ildebrando Salud na binabawi ang business permit ng Blue Coral Beach Resort na matatagpuan sa Laiya Aplaya.
Naging laman ng balita ang naturang beach resort matapos makita sa video ang mga bisita na nagpa-party na walang sinusunod na health protocols, tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield. Mapapanood din sa video ang mga partygoers na nilabag din ang physical distancing.
Kinondena naman ng Department of Tourism ang naganap na party at sinabi na ito ay “another reckless social gathering.”
More Stories
PASIG CITY HALL PROJECT, SOBRANG MAHAL? Curlee Discaya: ‘Overpriced ang P9.6B, Dapat P2.7B lang’
Mag-ina binaril ng selosong live-in partner, suspek nagpakamatay! KRIMEN SA SELDA NG PAG-IBIG
VP SARA SUMIPOT SA DOJ PARA SAGUTIN ANG REKLAMO SA BANTA SA MGA MARCOS