NATANGGAP na ng Malacañang ang resignation letter ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president Ricardo Morales.
“This is to confirm that the Office of the President has received today, August 26, the resignation letter of Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President and Chief Executive Officer Ricardo C. Morales,” wika ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
We are still awaiting President Rodrigo Roa Duterte’s further action/instruction on the matter,” dagdag pa niya.
Ito rin ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Senator Christopher “Bong” Go.
Una nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba na ito sa puwesto dahil sa sitwasyon ng kanyang kalusugan.
Matatandaan na humingi ang PhilHealth chief ng medical leave dahil sa lymphoma at sumasailalim sa paggagamot.
Nang ianunisyo ang kanyang pagbibitiw, sinuguro ni Morales na patuloy siyang makikipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay umano sa mga iregularidad sa PhilHealth.
Kapwa tinututukan ng Senado at House of Representatives kasama ang inter-agency task force na binuo mismo ng Pangulo ang korapsyon sa naturang ahensiya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA