Upang makapaglaan ng oras para ma-review at maiproseso ang apela ng mga residente kaugnay sa pinansiyal na tulong mula sa national government, inanunsiyo ng Quezon City LGU na maibibigay na hanggang May 12 ang cash aid sa mga kwalipikadong benepisyaryo na nasa inisyal na listahan.
Batay sa ulat ng City Treasurer’s Office (CTO), nasa P100 milyon ang nanatiling makukuha ng qualified beneficiaries na kinilala ng local at national government.
“From today until Wednesday next week, that becomes the final window where qualified QCitizens can claim. We made this call so we could also attend to other deserving citizens who appealed or filed disputes to our grievances committee,” saad ni Mayor Joy Belmonte.
Sa mga magdadaang araw bago ang Mayo 12, bubuksan ang iba’t ibang sites sa bawat isa sa anim na distrito ng siyudad kung saan ang mga kwalipikadong residente ay maaring pa ring kuhanin ang kanilang pinansiyal na tulong.
“Our next priority are those eligible individuals who were not recorded in the initial list. We understand that they’re also waiting for this aid to be able to buy food and other essentials for their families,” ani ni City Administrator Mike Alimurung.
Para makita kung kasama sila sa listahan ng mga benepisyaro, maaring tignan ng mga residente ang listahan sa kani-kanilang barangay o sa official website ng QC government (www.quezoncity.gov.ph).
To check if they are included in the list of beneficiaries, residents may access the list posted in their respective barangays or via the official website of the QC government (www.quezoncity.gov.ph).
Simula Abril 7, naipamahagi na ng siyudad ang 96% o P2.38 bilyon na financial aid na inilaan ng national government sa mga kwalipikadong benepisyaryo na naninirahan sa QC. Aabot sa 758 pamilya o 2,381,863 indibidwal ang nakuha na ang P1,000 sa kada indibidwal o 4,000 para sa isang pamilya na may apat na miyembro o higit pa.
“We are happy that despite the size and scope of our city, we managed to disburse almost all of the allocated financial aid for our residents with speed and ease,” saad ni Mayor Joy Belmonte.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE