IBINUNYAG ni Senator Victor “JV” Ejercito na ilan sa mga residente ng San Juan City ang tinatakot sa ilalim ng liderato ni Mayor Francis Zamora.
Sa Kapihan sa Senado forum, inakusahan ni Ejercito ang naturang alkalde na ipinapakilala ang kanyang dalawang sides ng kanyang pagkatao – isa ay ang pagiging mahinahon at ang isa ay ang mapaghiganti.
Si Zamora ang tumapos sa 50 taon pamamayagpag ng mga Estrada sa San Juan nang mahalal ito bilang alkalde noong 2019.
Muling nabuhay ang hidwaan sa politika ng dalawang kampo matapos ibunyag ni Ejercito ang umano’t korapsyon sa social aid programs ng siyudad.
“People are being terrorized, lalo na ‘yung super political. Kasi malayong malayo. Very deceiving kasi,” saad ni Ejercito.
“Si Mayor Zamora, kapag nagsalita, soft spoken [at] akala mo napakabait,” obserbasyon ng senador.
“Para itong pelikula lang eh. Kapag nasa on cam… Kaya lang, off cam, naaawa ako doon sa mga tao,” pagpapatuloy niya.
“Ang sabi ko nga sa kanya, tayo na lang ang mag away [at] kawawa naman ‘yung mga tao,” dagdag niya.
Ayon sa senadora, masyado siyang nag-aalangan na ilantad ang umano’y katiwalian sa San Juan noong una, alam niyang “naaapi ang mga tao” sa tuwing nagsasalita siya.
Aniya, ibinulgar niya na ito dahil sa bigat ng sitwasyon.
“I think I also brought up the issue of City employees or Department heads that after 3 years, their terminal leave is still not being given, which is money that is theirs,” pagbabalik-tanaw ni Ejercito
“As we are speaking right now, there are about 11 more out of the 30 plus who have yet to receive it,” saad niya.
“So you can see the pattern of his vindictiveness,” dagdag pa niya. Sa nasabi ring forum, hinimok din niya si Zamora na huwag idamay ang mga tao sa kanilang bangayan sa politika.
“Magandang magkaharap harap tayo. Ang apila ko lang, sana kami na lang ang magbangayan sa politika,” ayon sa senador.
Hinihingi ng Agila ng Bayan ang komento ni Zamora patungkol sa pahayag at alegasyon ni Ejercito, pero hindi pa ito tumutugon.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO