November 2, 2024

Report sa panukalang pag-amiyenda sa 2010 Organic Agriculture Act niratipikahan ng Senado

Pinagtibay na ng Senado ang committee report sa panukalang pag-amiyenda sa Republic Act 10068 o Organic Agriculture Act of 2010 na magbibigay ng sertipikasyon para sa organic produce na ani na mas mura at mas mabilis magamit.

Inihayag ni Senador Cynthia Villar, chairperson ng  Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform, at principal sponsor ng panukala, ang kanyang mga kasama sa Senado na pinagkasunduan sa bicameral conference committee ang ilang disagreeing provisions sa Senate Bill 1318 at House Bill 6878.

“This bill, once enacted into law, will provide for a more affordable system of organic certification, which will allow small farmers to benefit from producing organic products,” Villar said.

Sa ilalim ng panukala, magbubuo ito ng Participatory Guarantee System (PGS), isang locally-focused quality assurance system na binuo at ginagawa ng tao sa organic agriculture.

Ginagamit ito para sertipikahan ang mga producer at mga magsasaka bilang aktuwal at aktibong practitioner ng organic agriculture, at ginawa sa pamamagitan ng “foundation of trust, social network and knowledge exchange”.

Binigyang-diin pa ng Nacionalista Party senator na sa ilalim ng RA 10068,  kailangang magkaroon ng “certification of organic farms” sa maliliit ng mga magsasaka sa pamamagitan ng third-party certifier para mapabilis ang pagmarka at pagmemerkado ng mga produkto patungo sa mga pamilihan.

Subalit ang halaga ng third party party certification sa ay mahigit P100,000 bawat ani kada taon kung kaya’t dagdag pahirap ito sa mga maliliit ng mga magsasaka.

 “The exorbitant cost prevents small farmers from practicing organic farming and also makes organic products expensive for many Filipinos,” sabi ni Villar.

Kapag nagkaroon ng PGS certification, gagastos lang ang magsasaka ng P600 hanggang P2,000 at ngayon ay susunod ito sa international organic movement kagaya ng International Federation of Organic Agriculture Movement.

“Aside from environmental protection, increased farmer profitability is also a great motivation to promote and develop the organic industry. It promotes the use of natural and farm-based resources and inputs like organic fertilizer, which would yield to less input cost on the part of the farmers,” sabi pa ni Villar.

Itinataguyod din ni Villar ang pag-compost ng mga kitchen at garden waste bilang organic fertilizer sa halip na bumili nito.

Isinusulong din nito ang pagkakaroon ng mas abot-kayang sistema ng organic certification para sa kapakinabangan ng mga maliliit ng mga magsasaka.

“Without them who constitute a big chunk of the farming sector, organic farming in the country will not really develop,” sabi ni Villar.