December 24, 2024

REPORT CARD SA UNANG SONA NI PBBM

Magandang araw mga ka-Agila!

Sa nakalipas na isang taon nang panunungkulan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr, ramdam nyo ba ang mga pagbabago sa ating bansa?

Mga ka-Agila, kung kayo ang tatanungin, satisfied ba kayo o hindi sa pamamahala ni PBBM? Ano ang grado na ibibigay mo sa kanya?  

Narito ang mga mabibigat na isyung tinututukan ng administrasyong Marcos sa nakalipas na isang taon: Paglaban sa smuggling ng mga agriculture product, pagbaba sa presyo ng bigas sa P20, pagpapabuti ng medical services at mababang presyo ng mga gamot, pag-aangat sa kalidad ng edukasyon, proteksyon sa OFWs, paghikayat ng mga foreign investor, promosyon ng turismo, hirit na dagdag sa sahod ng mga manggagawa, pagtaas sa singil ng pamasahe sa mass transportation at pagtugon sa pambubully ng China sa Pilipinas.

May gusto ka bang ipanawagan o isama sa nalalapit na ang ikalawang State-of-the-Nation Address ni PBBM sa July 24, 2023 para aksyunan ng Pangulo.

****

Bumulaga sa madlang people ang mali-maling larawan ng ilang tourist destinations na ginamit ng DDB Philippines Inc. at IPG Media Brands Inc. sa ginawa nilang ads para sa promosyon ng turismo sa bansa.

Ang siste mga ka-Agila, buo pa rin ang tiwala ni PBBM kay  DOT Secretary Cristina Frasco na dapat syang may command responsibility sa nangyaring kapalpakan ng ad agencies.

Mabuti na lang, mabilis ang pagtugon ni Sec. Frasco  at agad na kinansela ang kontrata sa DDB at IPG Media Inc. Ang balita ko mga ka-Agila, super lakas ng nagma-may-ari ng DDB sa Palasyo dahil nakopo nito ang halos malalaking proyekto sa gobyerno.

Sa gitna ng fiasco ni Frasco, todo suporta naman si Senator Lito Lapid sa pamunuan  ng DOT kahit pinulaan at binatikos ng iba’t-ibang sektor.

Sabi ni Sen. Lapid bigyan ng second chance si Sec. Frasco at DoT family  na magpatuloy sa kanilang trabaho para palakasin ang paghikayat sa mga dayuhan at lokal na turista.

“Buo po ang tiwala at kumpiyansa ko kay Sec. Frasco at sa DOT at inaanyayahan ko po ang ating mga kababayan na magpakita rin ng suporta sa kanila. Kung magtagumpay po ang DOT sa kanilang trabaho, buong bansa po natin ang panalo,” ani Lapid.

****

Nitong nakalipas na ilang buwan naging abala ang inyong lingkod sa pagtutok sa trabaho sa Senado at sa shooting ng aking bagong Boss na si Sen. Lapid, ang “Supremo” sa tele-seryeng Batang Quiapo na ang direktor ay si Coco Martin aka “Tanggol.”

Abangan ang mga kapana-panabik na mga aksyon at drama sa Batang Quiapo, tuwing alas-8:00 ng gabi Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya channel, TFC at online platforms.

****

Pagbati muna ng Happy Bday kay Kuya Erwin Torrefiel, Pangulo ng Makati Eagles Club at incoming Governor nang bagong tatag na Makati Central Business District Region. Congrats sa ating mga aspirants na sumalang sa seminar at limang “Is” ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagle. Mabuhay ang Agila!

Para sa inyong mga opinyon at suhestyon, mag-email lang sa [email protected].