NAGPAHAYAG ng buong suporta si Navotas Representative Toby Tiangco para sa karagdagang cash aid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga buntis at mga ina na may mga anak na edad 0 hanggang 2 taon kung saan binibigyang-diin ang kahalagahan ng kalusugan ng ina at bata sa unang 1,000 araw na buhay
“I welcome the administration’s efforts to expand the benefits under the 4Ps program, especially since this directly supports mothers,” pahayag ni Tiangco.
“Maternal health is vital to public health because it safeguards the well-being of mothers and ensures newborns are born healthy,” dagdag niya.
Binanggit din ni Tiangco na ang F1KD program ng DSWD ay umaayon sa pangako ng administrasyon na labanan ang stunting at malnutrisyon.
Sa ilalim ng programa, mabibigyan ng buwanang health grant na ₱350 ang mga babaeng benepisyaryo ng 4Ps na buntis at mga kabahayang may mga anak na may edad 0 hanggang 2 taon.
“Mga 80,000 nanay ang makakatanggap ng buwanang ayuda na ito at alam natin na malaking tulong ito upang masigurong healthy sila sa pagbubuntis, at pagkapanganak,” paliwanag niya.
Higit do’n, mahalaga na hindi magiging hadlang ang kahirapan para maprotektahan ang ating mga nanay at ang kanilang mga sanggol,” sabi pa niya.
Pinuri ng mambabatas ang patuloy na pagsisikap ng administrasyong Marcos na mapabuti ang pangangalagang pangkalusugan at tiyakin ang pagiging kasama sa mga programa nito.
“Investing in primary healthcare strengthens the foundation of an effective public health system. It nurtures life and safeguards the guiding light of Filipino homes,” aniya.
“Natutuwa akong makita na ang mga programang pang-ayuda ay inilalaan sa mga makabuluhang bagay katulad ng maternal health. We have to commend this administration because we see how they prioritize healthcare for Pinoys. Iba ang diin sa pagpapaganda at pagpapalawak ng mga programang pang-kalusugan,” dagdag niya
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA