January 7, 2025

REP. TIANGCO: SEKTOR NG AGRIKULTURA, UMUNLAD SA MARCOS ADMIN’S

NAGPAHAYAG ng pag-asa si Navotas Congressman Toby Tiangco sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa ilalim ng pinaigting na pagsisikap ng administrasyong Marcos sa pagpapaunlad at reporma sa agrikultura.

Binigyang-diin ni Tiangco ang tagumpay ng National Food Authority (NFA) sa pagkamit ng 95% sa imbentaryo ngayong taon, na nakaipon ng mahigit 5 ​​milyong 50-kilogram bags na bigas na eksklusibong galing sa mga lokal na magsasaka.

“Patuloy po nating nararamdaman ang bunga ng mga programang pang-agrikultura ni Pangulong Bongbong Marcos. Sa tulong ng mga batas at repormang isinulong ng Pangulo, masisiguro natin na maganda ang takbo ng sektor ng agrikultura at higit sa lahat, ang pag-unlad ng buhay ng ating mga magsasaka,” pahayag niya.

“NFA’s ample buffer stocks also means the agency is ready to release supplies to help in relief efforts during emergencies and calamities. Napapanahon po ito dahil patuloy din ang paghahanda ng pamahalaan sa nagbabadyang pagputok ng Mt. Kanlaon,” dagdag niya.

Binanggit din niya na batay sa inamyendahang Rice Tariffication Law, ang NFA ay inaatasan na magpanatili ng 15-araw na buffer stock upang mapanatili ang mga disaster relief programs at matugunan ang mga hamon sa food security.

Ang stock na ito ay katumbas ng 300,000 metric tons ng milled rice, ang target na imbentaryo ng ahensya para sa 2024 at 2025.

Kumpiyansa din si Tiangco na susundin ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) ang direktiba ni Pangulong Marcos para sa mahigpit na pagpapatupad ng Republic Act No. 12022, na kilala rin bilang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

“The president’s marching orders are clear—strengthen action against smugglers who disrupt the supply chain and cause spikes in the prices of agricultural products in the local market,” ani mambabatas.

“We prioritized passing this law to make sure that concerned agencies will be empowered to safeguard the livelihood of Filipino farmers and fisherfolk while ensuring affordable food for every Filipino,” dagdag niya.