January 17, 2025

REP. TIANGCO, NANAWAGAN NA PALAWAKIN ANG ‘WALANG GUTOM’ POGRAM

NANANAWAGAN si Navotas Rep. Toby Tiangco para sa buong bansa na palawakin ang programang “Walang Gutom” Kitchen ng Department of Social Work and Development (DSWD) upang labanan ang gutom at iangat ang mga komunidad na kulang sa serbisyo.

“Napakaganda po ng programang ito ng DSWD, at sana ay mapag-aralan nilang maigi kung paano ito maisasagawa sa mas maraming mga lugar sa bansa,” sabi ni Tiangco.

Nagpahayag si Tiangco ng buong suporta para sa inisyatiba, na idiniin ang pagkakahanay nito sa direktiba ni Pangulong Marcos na labanan ang gutom at kahirapan.

“We fully support the program as it is in line with the president’s call to fight hunger and poverty,’ dagdag niya.

Ayon sa DSWD, mahigit 10,000 indibidwal ang naka-avail ng mainit at masustansyang pagkain mula sa soup kitchen simula nang ilunsad ito noong Disyembre 16, 2024.

Itinampok ni Tiangco ang potensyal ng programa na iangat ang mga mahihirap na komunidad sa buong bansa.

“Hindi lingid sa atin na marami pa rin sa ating mga kababayan ang nagugutom, lalo na sa mga probinsya. Expanding this program will greatly benefit those in poor communities,” pahayag niya.

Tinukoy din niya ang papel nito sa pagbabawas ng pag-aksaya ng pagkain. “The program not only addresses hunger but also helps deter food wastage by turning surplus food into meals for those in need,” ani pa ng mambabatas.

Ang “Walang Gutom” Kitchen ay inisyatiba ng DSWD na muling ginagamit ang labis na pagkain mula sa mga hotel, restaurant, at organisasyon sa mainit at masustansyang pagkain para sa mga taong kulang sa serbisyo.