
MASAYANG ipinagdiwang ng mga senior citizen mula sa San Pedro, Laguna ang kanilang Christmas Party na dinaluhan ni Senior Partylist Rep. Rodolfo Ompong Ordanes, kasama ang mga opisyal ng local government unit at komunidad.
Kasabay nito, bumisita rin si Congressman Ordanes sa Senior Citizens Building, isang proyektong itinaguyod ng Senior Citizens Partylist upang matiyak na may maayos na pasalidad para ating mga lolo at lola sa naturang bayan.
Ang pagtitipon ay naging pagkakataon upang ipakita ang patuloy na malasakit ng Partylist sa ating mga nakatatanda at ang layuning patatagin pa ang mga programang mag-aangat ng kanilang pamumuhay.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon