USAP-USAPAN pa rin sa kabila ng session break ang inasal ni Anakpawis Party-list Rep. Mike Defensor kamakailan dahil sa pagkakasibak nito sa pwesto sa Kogreso.
Bago mag-session break ang Kamara, napagdesisyunan at napagbotohan ng mayorya sa Kamara na palitan si Defensor bilang chair ng House Committee on Public Accounts.
Sa naging botohan, ninais ng mayorya sa Kongreso na ihalal si Probinsyano Ako partylist Rep. Jose “Bonito” Singson Jr. bilang bagong chair ng accounts.
Galit na nagtatalak si Defensor sa media nang mabalitaan na siya ay pinalitan na. Tilang bata na nagpasaring pa ito kay House Speaker Lord Allan Velasco sa kabila ng paghihintay ng mayorya na mag-resign na ito.
Sinabi ni Deputy Speaker at Buhay party-list Rep. Lito Atienza na noong Oktubre pa nila hinihintay ang resignation ni Defensor lalo pa’t siya ay kaalyado ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.
Si Defensor din ang itinuturong utak o naghimok para magkaroon ng palitan ng mga chair at deputy speakers sa kasagsagan ng gulo sa term-sharing sa Kongreso.
Matatandaan na kinailangan pa makialam ni Presidente Rodrigo Duterte sa usapin ng term-sharing bilang House Speaker sa pagitan ni Velasco at Cayetano, kung saan kalaunan ay napilitan na rin bitawan ni Cayetano.
Bukod pa dito, si Defensor din ay napabalita na kinaiinisan umano ng labis ng anak ng Pangulo na si Davao City Mayor Sara Duterte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA