
Nanawagan si Negros Oriental 3rd District Representative Janice Degamo na mailipat sa Manila City Jail ang dating kongresistang si Arnolfo “Arnie” Teves Jr., ang itinuturong utak sa pagpaslang sa yumaong Gobernador Roel Degamo at siyam na iba pa sa Pamplona, Negros Oriental noong Marso 2023.
Sa isang panayam, sinabi ni Cong. Degamo na hindi dapat manatili si Teves sa kasalukuyang detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pangambang ito ay nakakatanggap ng espesyal na trato o maaaring magkaroon ng paglabag sa seguridad.
“He has to be in jail — a real jail. He should be detained in the worst jail in the country. He must answer for his crimes,” mariing pahayag ni Degamo.
Matapos ang halos dalawang taong pag-iwas sa batas ng Pilipinas at pamamalagi sa Timor-Leste kung saan siya humiling ng asylum, na-deport si Teves nitong Mayo at kasalukuyang nakakulong sa punong tanggapan ng NBI sa Maynila.
Giit ni Degamo, hindi dapat payagan na magpatuloy ang isang “komportableng kulungan” para sa isang taong nahaharap sa mga kasong multiple murder at paglabag sa Anti-Terrorism Law.
“My fear is that he might get VIP treatment because bribery is really his expertise. We’ve seen this happen before,” dagdag pa ng mambabatas.
Kaugnay nito, binanggit niya ang insidente noong 2023 kung saan isang high-profile inmate na si Jad Dera ay nahuling lumabas sa NBI detention facility at natagpuang may kasamang salapi, baril, at cellphone. Ayon kay Degamo, ang naturang insidente ay nagpapakita ng posibilidad ng katiwalian o kapabayaan kahit sa loob ng mga institusyon tulad ng NBI.
Bagamat hindi niya layong dungisan ang imahe ng NBI, binigyang-diin ni Degamo na dapat nang mailipat si Teves sa mas mahigpit na kulungan.
“You saw his compound (in Timor-Leste). It was a life fit for a king. Now he must experience what it really means to be a prisoner,” aniya.
“How can you feel remorse if you’re enjoying detention?”
Nang tanungin kung saan dapat ikulong si Teves, hindi nag-alinlangan si Degamo:
“Sa Manila City Jail.”
More Stories
Mayor Kit Nieto, Naghain ng Solusyon sa Paulit-ulit na Baha sa Celso Tuason Avenue
4 TIMBOG SA ₱3.4M DROGA SA RODRIGUEZ, RIZAL
‘WALANG ATRASAN!’ — KAMARA DI BIBITAW SA IMPEACHMENT KAY VP SARA!