Mariing itinanggi ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na hindi ito dawit sa di-umano’y korapsyon na ipinupukol sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Vargas, posible raw na maling impormasyon tungkol sa kaniya ang natanggap ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na mula umano sa mga katunggali nito sa pulitika.
Nakahanda umano ang mambabatas na humarap sa kahit anong imbestigasyon dahil malinis ang kaniyang konsensya.
Binigyang-diin din nito ang naging bungad ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi na wala itong ebidensya ukol sa mga mambabatas na sangkot sa korapsyon.
Inaakusahan ngayon ng PACC si Vargas sa di-umano’y paghingi nito ng one-time enrollment fee na nagkakahalaga ng halos P1 milyong.
Pinaniniwalaan na bukod pa ito sa 10-12 posiyento na “SOP” na kinakailangang bayaran muna bago ibigay ang isang proyekto sa contractor ng mga infrastructure projects.
Ani Vargas, hindi malinaw na pruweba ang alegasyon lamang at hindi nito basta madudungisan ang kaniyang malinis na 12 taon sa serbisyo.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY