December 23, 2024

RENEWAL NG PRANGKISA NG MERALCO, SUPORTADO NG LABAN KONSYUMER

SUPORTADO ng Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang renewal ng prangkisa ng Manila Electric Co. (Meralco) at binigyang-diin nito na napakahalaga ng patuloy na operasyon ng power distributor para sa kapakanan ng milyong-milyong counsmer na nakadepende sa kanilang matatag at maasahang supply ng kuryente.

Pinuri rin ng LKI ang pagsisikap ng Meralco upang makakuha ng sapat at mababang halaga ng supply sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga serye ng biddings na tinatawag na competitive selection process (CSP).

Sa kasalukuyan, nasa proseso na ito ng pangongontrata para sa 1,500 na kailangan sa susunod na taon.

“Meralco’s conduct of open and transparent biddings illustrates the company’s efforts to fulfill its ultimate mandate to its customers,” ayon sa LKI.

Matatandaan nitong simula ng taon pa lamang ay kinasa na ng Meralco ang mga kontrata para sa mga kakailanganin supply ng kuryente sa susunod na mga taon. Bahagi dito ang 3,000-MW baseload supply para sa 15 taon at 400-MW interim power supply na kakailanganin sa susunod na taon.

““We strongly support Meralco’s series of CSPs. Power contracts secured through CSP ensure supply will come from reputable and reliable sources, which help ensure stable and affordable electricity supply for consumers in the years to come,” dagdag pa nito.

Bagamat may bahagyang pagtaas sa singil ng kuryente nitong Hulyo, mas mababa pa rin ang singil ng Meralco kumpara sa ibang electric cooperative. Ang kasalukuyang singil nito para sa tipikal na residential customer ay nasa P11.60 kada kWh, mas mura pa rin kumpara sa singil ng ibang private distributor at electric cooperative na aabot sa P16 hanggang P21 kada kWh ang singil.

Dagdag pa ng grupo, ang hindi pag-renew sa prangkisa ng Meralco dahil sa interes ng iilan ay maaring makaantala sa paghahatid ng serbisyo ng kuryente at magkaroon ng malubhang epekto sa mga kabahayan, negosyo at maging sa ekonomiya.

Binanggit din ng grupo na hindi sapat na dahilan ang mga isyung kinahaharap ng Meralco upang maantala ang operasyon nito na magdudulot ng banta sa seguridad ng suplay ng kuryente.

Nananawagan ang LKI sa mga awtoridad na isaalang-alang ang mas malaking implikasyon ng hindi pag-renew sa prangkisa ng Meralco.

Diin ng grupo, bigyang prayoridad ang pagtiyak sa suplay ng kuryente at pagresolba sa mga isyu habang pinoprotektahan ang interes ng mga konsyumer.

Ayon sa LKI, ang patuloy na operasyon ng Meralco ay makakapagpatiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo ng kuryente sa milyun-milyong customer nito hindi lamang sa Metro Manila kung hindi sa iba pang lugar na saklaw ng franchise area nito.