January 22, 2025

Remittance record breaking! MGA OFW KUMUBRA NG $2.65 BILLION NOONG PEBRERO

Umabot sa $2.65 bilyon ang cash remittance ng overseas Filipino workers nitong Pebrero 2024, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito’y mas mataas ng 3 percent mula sa $2.57 bilyon na naitala noong Pebrero 2023.

“The uptick is because of growth in receipts from both land- and sea-based workers,” ayon sa BSP.

Ayon sa central bank, karamihan sa cash remmitances ay nanggaling sa United States, Saudi Arabia, Singapore at United Arab Emirates.

Ang US ay may pinakamataas na share sa lahat ng remittance sa parehong period, na sinundan ng Singapore, Saudi Arabia at Japan.

Sa kabuuan, ang personal remittance ng mga OFW ay pumalo sa $2.95 bilyon noong Pebrero, tumaas ng 3 percent mula sa $2.86 bilyon na naitalasa parehong buwan noong nakaraang taon.