December 23, 2024

RELIEF GOODS SA CALOOCAN, INABANDONA SA ESKWELAHAN

Tumambad kay Caloocan 2nd District Rep. Egay Erice ang napakaraming relief good na ilang buwan na umanong nakatambak sa Caloocan High School.

“Nadaan ako sa Caloocan High School at tumambad sa akin ang napakaraming relief at ayon sa mga kaibigan ko na guro, ilang buwan na raw itong nakaimbak at malamang marami ng sira samga ito,” sambit ng naturang kongresista.

Aniya  nanghihinayang siya dahil maaring mabulok lamang ito gayung maraming nagugutom ngayon dahil sa nangyayaring pandemya.

Nanghihinayang ako dahil sa dami ng nagugutom nating kababayan. Sayang naman kung mabubulok ang mga ito habang daang milyon ang inutang ng pamahalaang lungsod para mabili ito,” dismayadong pahayag ng naturang kongresista.


Dahil dito nanawagan si Rep. Erice sa Commission on Audit na imbestigahan  ang inabandonang relief good sa Caloocan City.