Umaasa si incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na magkaroon ng mas maayos at malalim na kooperasyon ang Pilipinas at Japan kung saan maiaangat sa pinakamataas na antas ang relasyon ng dalawang bansa sa lahat ng aspeto.
Ito ang ipinihayag ni Marcos matapos ang 15 minutong pag-uusap nila ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na tumawag nitong Biyernes upang personal na ihayag ang kanyang pagbati sa kanyang pagwawagi nitong nakaraang halalan.
“I thank Japanese Prime Minister Fumio Kishida for his warm congratulatory message via a phone call this morning. We were able to have a preliminary discussion about Japan-Philippines partnership, which I said is very important and has been one of mutual benefits for our two countries,” sabi ni Marcos.
Idinagdag pa niya na umaasa siya na hindi lamang magpapatuloy ang magandang ugnayan ng dalawang bansa kundi higit pang maiaangat ito sa lahat ng aspeto.
Pagkatapos nilang mag-usap, naglabas ng isang statement ang website ng Japan’s Ministry of Foreign Affairs, kung saan nito siniguro ni Kishida kay Marcos na itutuloy nang Japan ang lahat ng tulong na kasalukuyang ibinibigay nito sa bansa.
Gagawin nila ito sa pamamagitan ng Joint Committee on Economic Cooperation and Infrastructure and the Ministerial Meeting sa Foreign Affairs at Defense.
Sa kasalukuyan ay tinutulungan ng Japan ang Pilipinas sa ibat-ibang paraan katulad ng larangan ng pagpapaunlad ng ekonomiya at maging sa imprastraktura at seguridad at iba pa.
“I told him that I would like to deepen the cooperation in a wide range of fields in the future and we agreed to work together to strengthen it,” sabi pa niya Marcos.
Sinabi din niya na napag-usapan din nila ang mga kasalukuyang pagpapaunlad sa Asya at nangakung magtutulungan ang dalawang bansa para makamit ang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
Dagdag pa niya na napagkasunduan nilang magkita sa lalong madaling panahon para pagusapn ng mas malalim ang pagpapatatag ang ugnayan ng Japan at Pilipinas.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE