November 3, 2024

Relasyon ng bansa sa Amerika, masusubok sa pamumuno ni Biden

May bago nang naihalal na Presidente ang Estados Unidos. Wagi si Joe Biden ng partido ng Democrat sa eleksyon. Si Biden din ang tumapos sa pangarap ng katunggaling si Donald Trump, 74-anyos.

Nakakuha si Biden ng 74 million votes. Wagi rin ang running mate nitong si Kamala Harris bilang bise presidente.

Sapol noong panahon ni George H.W Bush, si Trump lang ang incumbent na hindi nanalo ng dalawang beses sapol noong dekada 90. Kaya, isang beses lang ang kanyang naging termino.

Markado sa kasaysayan ng election ng US si Biden dahil siya ang pinaka-oldest president na naihalal sa edad na 77.

Kaugnay sa panalo, iinagurahan si Biden sa Enero 20, 2021. Nangako ito ng pagbabago at pagkakaisa ng Amerika.Si Harris, 56 ay ganun din bilang unang black woman na naihalal at papasok sa White House.

Gaya ng sinabi ng Pangulong Duterte, sinoman sa dalawa ang manalo ay handa ang Pilipinas sa magandang ugnayan.

Hangad ng Pangulo ang magandang relasyon sa Amerika. Na hindi naagrabyado ang Pilipinas. Abangan natin kung magpapaabot ng pagbati ang Pangulo kay Biden. As usual, mangyayari at mangyayari.

Magpaparamdam din ba ito? Makikipagkaibigan din ba ito sa Pangulong Digong? Nakararamdam naman tayo ng positibo rito. Magpapakitang gilas si Biden.

Malalaman natin ang kinabukasan ng bansa sa 4 na taong pamumuno ni Biden, kung ito ba ay makabubuti sa ugnayan ng 2 bansa.