ININDORSO na ng Department of Health ang reklamo laban kay Senator Koko Pimentel sa mga pulis at sa National Bureau of Investigation para sa umano’y paglabag sa quarantine protocol.
Ayon kay Rico Quicho, dating dean ng University of Makati, iimbestigahan nina Philippine National Police Chief PGEN Archie Gamboa at NBI Director Eric Distor kung talagang lumabag ang senador sa “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.
Sagot naman ni Pimentel na magpapadala siya ng kanyang counter affidavit sa Justice Department nang hindi ipamamahagi sa media.
Giit ni Pimentel, ang reklamo ni Quicho ay isang legal matter at hindi political.
Ang kaso ay nag-ugat noong Marso nang samahan ng senador ang kanyang manganganak na asawa sa Makati Medical Center sa kabila na sumasailalim ito sa self-quarantine para sa umano’y COVID-19, na kalauna’y nagpositibo ang resulta habang nasa naturang ospital.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA