December 24, 2024

Rehab Centers at ADACs kinakailangan sa whole-of-nation approach sa giyera kontra droga – Dela Rosa

NAGSAGAWA si Senator Ronald  ‘Bato’ Dela Rosa ng isang public hearing na naglalayong gawing institusyonal ang pagtataguyod ng drug rehabilitation centers at Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) sa bansa upang makumpleto ang whole-of-nation approach ng giyera kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte.

Bilang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, binigyang diin ni Dela Rosa, ang kaugnayan ng two-fold approach sa pagtatanim ng disiplina sa mga nagkamali na indibidwal kabilang ang drug dependents – correction at rehabilitasyon.

“When our children make mistakes, do we immediately condemn them and call them hopeless? Definitely not. Being a father myself, I have long taught myself to extend my patience for as long and as far as I can, while at the same time making sure that my children learn their lesson and do better,” ayon kay Dela Rosa.

“It is clear, then, that the necessary approach to discipline must always be two-fold: first, correction, and second, rehabilitation. We do not stop with merely instilling a sense that what was done is wrong, because we must also take steps to teach what is right,” dagdag pa niya.

Inulit ni Dela Rosa, na unang hepe ng Philippine National Police (PNP) ng administrasyong Duterte at arkitekto ng war on drug ng pamahalaan, na sa kanyang termino, mahigit sa isang milyong drug dependents ang sumuko bunga ng matagumpay na pagpapatupad nito.

Idinagdag pa niya na ang pangmatagalan na problema ng bansa sa ilegal na droga ay hindi lamang isang public order concern ngunit isa rin itong public health problem.

“Hindi maitatanggi na ang salot na droga ay hindi lamang ‘public order’ problem, kundi isa ring malaking ‘public health’ problem…Kinokonsidera rin ng United Nations Office on Drugs and Crime na isang global problem ang drug abuse na kailangan nating tugunan,” paliwanag ni Dela Rosa.

“Katulad ng paglaban natin sa COVID-19, kakailanganin ang bawat miyembro ng komunidad para labanan ang ilegal na droga. We need all the help we can get, ika nga,”  pagpapatuloy niya.

Samantala, pinuri naman ni Dela Rosa ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa pagkilala sa mga pagsisikap ng mga lokal na komunidad tungo sa paglaban sa problema sa droga.

“Alam niyo, nakaka-encourage iyan, malaking bagay iyan eh. Sa atin dito sa taas at the national level, medyo hindi natin masyadong mapapansin iyan. Pero doon sa lower level lalo na barangay to barangay, na-awardan mo yung barangay na iyan na maganda yung performance ng kanilang barangay anti-drug abuse council (BADAC) or kanilang anti-drug campaign program ay meron nang domino effect iyan sa ibang barangay kasi mag-aspire din yung ibang barangay na magkaka-award,” wika pa niya.