
KALABOSO ang isang binatilyong Regional Most Wanted na may kaso ng panggagahasa makaraang silbihan ng arrest warrant ng mga pinagsanlb na puwersa ng Nasugbu Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Batangas Provincial Police Office (PIU-BPPO) sa Barangay Bucana ng Nasugbu, Batangas.
Kinilala ang suspek na si alyas Bernard, 20 taon gulang at residente sa kaparehong lugar.
Base sa ipinadalang report ni Batangas Police Provincial Director PCol.Samson B. Belmonte kay Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 14 sa Nasugbu, Batangas para sa kasong 4 counts of Rape na walang inirekomendang piyansa at may petsang March 17, 2023.
Pansamantalang nasa kustodiya ngayon ng Nasugbu Municipal Holding and Custodial Facility ang suspek bago iharap sa korte. (KOI HIPOLITO)
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE