MATAGUMPAY na naisakatuparan ang dambuhalang kaganapang 2nd National Sudokwan National Championship na tinampukan ng higit sa 70 bakbakan ng mga men and women Sudokwan athletes mula sa mga rehiyon ng kapuluan nitong weekend sa Pasay City Gymnasium.
Matapos ang usok ng giyera sa mats, tinanghal na overall champion ang best bets sudokwanese ng Region 4A warriors.
Naiuwi ng tropang Katagalugan (4A) ang 6 na golds, 10 silvers at 12 bronzes para sa kampeonato.
“Nagpalakas nang husto ang Region 4 kaya nadomina nila ang torneo. Dumami kasi ang bilang ng kanilang mga atleta mula noong first edition ng Sudokwan natin kaya ‘di nakapagtatakang magpapalakas ang ilang regional teams at paghandaan ang third edition natin,” wika ni Sudokwan head at 2006 Asian Games Doha wushu sanda gold medalist Rene Catalan kasabay ng pasasalamat niya kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano at sa broadcast partner na PTV 4.
“Congratulations din sa segunda na NCR at tersera na Region 6.”
Segunda o 2nd placer ang NCR – 5 Gold, 1 Silver, 12 Bronze at tersera o 3rd placer ang Region 6 na may 4 golds, 8 silver at 8 bronzes.
Katuwang ni Catalan ang maasahang ka-opisyal niya sa sudokwan na sina Dr. Brookshields Imperial, Kap Rey Legaspi, Mhar Jon Manahan, Zander Gregorio Edemel, Rocel at Ruel Catalan; Roque Verangel Mana-ay; Robert James Lagan, Jessel Mandia, Jomary Torres, Mark Fuentes, Isagani Domingo, Rommel Casipe at lahat ng unsung heroes ng Catalan Fighting System. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA