December 25, 2024

REGINE & OGIE ALCASID, BANNED NA NGA BA SA GMA-7?

SAD sa side nina Regine Velasquez at Ogie Olcasid, dahil plano raw nilang mag-asawa na muling bumalik sa Kapuso Network. Pero mukhang malabo na silang makabalik pa.

“Ang balita namin at mukhang milagrong makabalik sina Reqine at Ogie Alcasid, dahil sila mismo talaga pala ang hindi nagrenew ng kanilang mga kontrata sa GMA-7. Ang Kapuso Network pala, asang-asa na magrerenew si Regine sa kanila pero bigo sila. Pero that time at waiting pa rin sila kung magbabago nang desisyon itong si Regine.

“Tungkol naman kay Ogie Alcasid, na asawa ni Regine Velasquez-Alcasid. Nang magpaalam ito sa GMA-7, pinayagan na nila ito. Kaya kung magbabalik Kapuso ang dalawa, milagrong tanggapin muli sila. Mukhang hindi nagustuhan ng management ang pagiging walang utang na loob nila, kaya banned silang mag-asawa sa nasabing network.” Malinaw na ayaw na sa kanila, kung makabalik sila mali ang hula.